Nilagdaan kahapon ng ika-7 ng Nobyembre sa pagitan ng Mindanao State University (MSU) at GISB Holdings mula sa Malaysia ang Memorandum of Understanding para sa pangmatagalang pagtutulungan sa pagpapalawak ng halal industry sa Bangsamoro at buong bansa.
Sa isinagawang International Dialogue & Halal Expo sa MSU Marawi Campus ay nagkaroon rin ng pagkakataon na maipakita ang mga halal products mula sa Malaysia habang mga lokal na produkto naman at ani mula sa College of Agriculture ng nasabing pamantasan.
Ayon kay MSU System President Atty. Basari Mapupuno, ang pagtataguyod ng halal industry ay kinakailangan ng suporta mula sa iba’t ibang sektor. Dahil rito, patuloy raw na susuportahan ng MSU ang pagpapatatag ng industriya ng halal.
Bahagi sa MoU ay ang pagpapalago ng halal practices at enterprises, pagkakaron ng mga oportunidad kagaya ng benchmarking at student immersion programs, at pati na rin ang pananaliksik.
Ang nasabing aktibidad ay kabilang sa pagsusumikap ng Raheemah Peaceweavers Coop sa usaping halal.| ulat ni Johaniah Yusoph| RP1 Marawi