Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na mga polisiya sa digital markets, na makatutulong na makapagbigay ng mura at de kalidad na mga produkto at serbisyo para sa mga Pilipino.
Ito ang binigyang diin ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa isinagawang workshop ng NEDA at Philippine Competition Commission (PCC), na layong tulungan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) na mapahusay ang digitalization sa bansa sa tulong ng mga polisiya.
Ayon kay Balisacan, ang pagpapahusay sa digital markets ay isa sa mga istratehiya ng Marcos Jr. Administration na nakapaloob sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Dagdag ng opisyal na ang paglalapit ng mga modernong teknolohiya ay makatutulong sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at lalo na sa mga mahihirap na Pilipino na nasa malalayong lugar na magkaroon ng access sa healthcare, education, finance, agriculture, at iba pang sektor. | ulat ni Diane Lear