Hindi titigil ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino pagdating sa aspeto ng trabaho.
Ito ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) ay kahit pa naitala ang pagtaas ng bilang ng mga may trabaho nitong Setyembre, batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa pinakahuling datos, nakapagtala ang Pilipinas ng 95.5 porsiyento ng employment rate nitong Setyembre o katumbas ng mahigit 46 na milyong Pilipino ang nagkatrabaho.
Ayon naman kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, partikular nilang tututukan ang pagtugon sa mga trabahong maaapektuhan ng El Niño Phenomenon.
Bagaman nakapagtala ng mataas na bilang ng mga may trabaho, sinabi ni Balisacan na hindi dapat magpaka-kampante ang pamahalaaan bagkus ay dapat pang palakasin ang labor force na siyang kinakailangan sa pagbangon ng ekonomiya. | ulat ni Jaymark Dagala