House Appropriations Chair, ikinalugod ang pagsang-ayon ng Senado sa realignment ng Confidential at Intelligence Fund sa 2024 Budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co na magiging mabilis lang ang pagsalang ng panukalang 2024 National Budget sa Bicameral Conference Committee.

Ito’y kasunod ng pagkakasundo ng mga senador na alisin ang Confidential at Intelligence Funds (CIFs) ng mga civilian agency, hakbang na una nang ginawa ng Kamara.

“This jibes with or is a vindication of the decision of the House of Representatives to realign those appropriations. With such consensus, we foresee a smooth Bicameral Conference on the 2024 budget,” sabi ni Co.

Naniniwala ang mambabatas na ang pagsang-ayon na ito ng mga senador na alisan ng CIF ang mga civilian agency ay magpapabilis sa pag-apruba ng Pambansang Pondo para sa susunod na taon.

Matatandaan na sa bersyon ng Kamara ay inilipat nito ang Confidential at Intelligence Fund ng mga civilian agency patungo sa mga tanggapan na nakatutok sa national security.

Welcome din para kay Co ang resulta ng OCTA Research survey kung saan mayorya ng mga Pilipino ang sumuporta sa kanilang hakbang na i-realign ang CIF.

Batay sa survey, 57% ng mga Pilipino ang pumabor sa paglilipat ng CIF sa national security agencies.

Aniya, isa itong pruweba na tama ang naging hakbang ng Kongreso sa usapin ng confidential funds.

“This also proves that the public supports our approach to governance and fiscal prudence as the significant concurrence is compelling evidence that our citizens trust in the Committee’s endeavor to enhance the transparency and accountability of national expenditures,” paliwanag pa ni Co. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us