Speaker Romualdez, magsisilbing Legislative caretaker ng Palawan 3rd District

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay sa sesyon ng Kamara ang mosyon na gawing Legislative caretaker ng Palawan 3rd District si Speaker Martin Romualdez.

Ang naturang distrito ay nabakante nang pumanaw si Palawan Representative Edward Hagedorn.

Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe, batay na rin ito sa naging konsultasyon kasama ang party-leaders sa Palawan.

Mananatili rin ani Dalipe ang House Speaker bilang Legislative caretaker ng Negros Oriental 3rd District.

Ito’y matapos magdesisyon ang COMELEC En Banc na kanselahin na ang special elections sa Negros Oriental para punan ang nabakanteng posisyon ni dating Representative Arnulfo Teves Jr.

Matatandaan na pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 1431 ni Negros Oriental Representative Manuel Sagarbarria na humihiling sa COMELEC na irekonsidera ang pagdaraos ng special elections sa kanilang lalawigan.

Punto ni Dalipe, mayroon pang mga pending disqualification case laban sa mga nanalong kandidato sa katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Kaya maigi na unahin muna itong resolbahin bago magpatupad ng panibagong botohan.

Dapat ay sa December 9, 2023 gagawin ang eleksyon sa Negros Oriental. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us