Target ng Pangulo na bawasan ang kawalan ng trabaho, halos abot-kamay na — Finance Sec. Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumubuti ang kalidad ng trabaho para sa mga Pilipino  at ang underemployment rate sa bansa ayon sa Department of Finance (DOF).

Ito ang reaction ng DOF   matapos muling bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa kumpara noong nakaraang taon.

Base sa pinakahuling Labor Force Participation Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 4.5 percent  ang unemployment rate nitong nakaraang buwan kumpara sa five percent noong parehas na buwan noong 2022.

Bumaba ang underemployment rate sa 10.7 porsiyento noong Setyembre 2023, ang pinakamababang bilang na naitala simula April 2005.

Ayon sa DOF, mas mababa pa ito kumpara sa pre-pandemic level na 14.8 percent at ang 15.4 percent na naitala noong Setyembre 2022 gayundin sa 11.7 percent noong August 2023.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ito ang pinakalayunin ni  Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na bawasan ang kawalan ng trabaho sa apat hanggang limang porsiyento sa 2028.

Sa ngayon, ang year-to-date na unemployment rate ay nasa 4.6 porsiyento, mas mababa sa 5.3 hanggang 6.4 porsiyento na target para sa 2023.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us