Nagpasalamat ang Office of Civil Defense sa aktibong partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Sa isang ambush interview, sinabi ni OCD Spokesperson Dir. Edgar Posadas na nasisiyahan sila na lumaganap na kamalayan sa pag-iingat sa lindol sa lahat ng sektor ng lipunan.
Dati-rati aniya ay nag-iisa ang gubyerno sa adbokasiya ng paghahanda sa lindol, pero ngayon ay aktibo nang nakikilahok ang mga paaralan, mga lokal na pamahalaan at ang pribadong sektor.
Sinabi naman ni Posadas na ang katatapos na 4th Quarter NSED ay nagsisilbi na ring paggunita sa 7.3 magnitude earthquake na naka-sentro sa Casiguran, Aurora noong 1968, na naging sanhi sa pagbagsak ng Ruby Tower sa Maynila. | ulat ni Leo Sarne