Climate Change Commission, pinuri si Pres. Marcos Jr. sa malinaw na misyon nito vs. climate change

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Climate Change Commission Executive Director Robert Borje ang ginagawang pagtutok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kontra Climate Change.

Ayon kay Borje, klaro ang tinatahak na misyon ng administrasyon sa paggawa ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima.

Sa ilalim aniya ng pagpupursige na ito ng Pangulo ay sumasabay at nagtatrabaho din ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan para makamit ang target kontra sa climate change na pagpapakita aniya ng Isang malakas na leadership.

Kaugnay nito, ipinagmalaki ni Borje na tapos na ang Greenhouse Gas Inventory para sa taong 2015 hanggang 2020 na matagal naka-pending subalit tapos na sa ilalim ng Marcos administration.

Ito ay mahalagang hakbang upang matukoy ang kontribusyon ng bansa sa pagbabago ng klima at upang makapagtaguyod ng mga hakbang upang labanan ang climate change. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us