Alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa mga smugglers, nasabat ng Subic Bay Metropolitan Authority katuwang ang Bureau of Customs ang 40-foot container trucks na naglalaman ng mga puslit na agricultural products.
Ang naturang container trucks ay natagpuan sa port of subic.
Ayon kay SBMA Chairman and Administrator Jonathan Tan, ang siyam na containers na dumating noong November 3 ay idineklarang naglalaman ng frozen lobster balls na naka-consignee sa Rianne Food Products.
Pero nang ito ay inspeksyunin ng mga awtoridad, ito ay naglalaman ng patatas, carrots, radish at broccoli na nagkakahalaga ng milyong piso.
Pinuri naman ni Tan ang SBMA at BOC sa kanilang pagpupursige na tumalima sa mandato ng Pangulo na magbantay laban sa agricultural smugglers. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes