Office of the Vice President, ‘di na manghihingi ng confidential fund para sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iaatras na ng Office of the Vice President (OVP) ang paghiling nito ng confidential fund para sa susunod na taon.

Sa plenary deliberations ng Senado para sa panukalang pondo ng OVP, natanong ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang tungkol sa confidential fund ng OVP.

Bilang tugon, binasa ni Senate Committee on Finance Chairperson Sonny Angara na siyang tumatayong sponsor ng panukalang pondo ng OVP ang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa isyu ng confidential fund ng kanilang opisina.

Nakasaad dito na hindi na igigiit ng OVP ang hiling nilang confidential fund.

Ipinahayag rin ni Undersecretary Michael Poa ang posisyon ni VP Sara, na huwag nang ituloy ang paggiit sa confidential fund dahil nagiging divisive na ang isyu.

Naniniwla aniya ang bise presidente na siya ay nanumpa na panatilihing mapayapa at matatag ang bansang Pilipinas. | ulat ni Michael Poa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us