Ito ang pahayag ni Bautisa makaraang malagay siya sa ikatlong puwesto sa best performing cabinet secretaries ng Administrasyong Marcos Jr., batay sa pinakahuling survey ng RP Mission and Development Foundaton Incorporated.
Sa 3rd Quarter survey, nakakuha si Bautisa ng 81 percent rating para sa overall job performance na isinagawa mula Setyembre 20 hanggang 30 ng taong kasalukuyan.
Nanguna naman sa survey si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, habang kapwa naman nasa ikalawang puwesto sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian at Department of Tourism (DoT) Sec. Ma. Christina Frasco.
Maliban kay Bautista, nasa ikatlong puwesto rin si Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman.
Kabilang din sa mga napabilang sa best performing cabinet officials sina Trade Secretary Alfredo Pascual, Information and Communications Secretary Ivan John Uy, Public Works Secretary Manuel Bonoan, at Executive Secretary Lucas Bersamin. | ulat ni Jaymark Dagala