40 Pilipino na nakatawid na sa border ng Egypt, posibleng makauwi na sa bansa bukas — DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng makabalik na bukas sa bansa ang 40 Pilipino na nailikas mula sa Gaza Strip at nakatawid sa Rafah crossing.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Eduardo de Vega, sa ngayon ay nasa Embahada na ng Pilipinas sa Cairo ang mga kababayan natin at hinihintay na lamang ang kanilang ticket pauwi.

Bukod dito, may isang Palestino rin na asaw ng isang Pilipino ang makakasama pagbalik sa Pilipinas.

Ani de vega, nasa halos100 Pilipino pa ang nasa Gaza at naghihintay na muling magbukas ang Rafah crossing. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us