Inanunsiyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na magpapatupad sila ng dagdag-singil sa kuryente para sa buwan ng Nobyembre.
Batay sa abiso ng MERALCO, P0.23 kada kilowatt hour ang magiging dagdag dulot ng mas mataas na transmission charge, kaya’t P0.12 kada kilowatt hour ang aasahang magiging dagdag sa monthly bill ng mga residential customer.
Ayon sa MERALCO, bunsod ito ng mas mahal na ancillary service charges na ipinapataw naman ng National Grid Corporation of the Philippines para sa regulating reserves.
Maliban dito, tumaas din ang generation charge na dulot naman ng mas mataas na singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at mga Independent Power Producer (IPPs).
Katumbas ang dagdag-singil sa kuryente ng P47 para sa mga kumokonsumo ng average na 200 kwh at P117 para sa mga kumokunsumo naman ng 500 kwh. | ulat ni Jaymark Dagala