Paglago ng ekonomiya ng bansa, ikinatuwa ng NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paiigtingin pa ng pamahaalaan ang mga hakbang nito para mapanatili ang malagong ekonomiya ng bansa.

Ito naman ang pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) makaraang maitala ang 5.9 percent na paglago ng Gross Domestic Product o GDP nitong ikatlong quarter ng taon.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, target nila na maabot ang 7.2 percent na GDP Growth rate sa ika-apat na quarter ng taon.

Mas mataas pa ito kumpara naman sa target na anim hanggang pitong porsiyentong target ng pamahalaan para sa buong 2023.

Kasunod nito, pinapurihan ni Balisacan ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan gayundin ang mga local government unit sa pagtugon ng mga ito sa panawagan na magpatupad ng catch up expenditure plans.

Sa ganitong paraan ani Balisacan, mapabibilis nito ang pagpapatupad ng mga programa na siyang makahihikayat ng mas maraming mamumuhunan at makalilikha ng maraming trabaho. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us