Patuloy pa rin na nakakatanggap ng tulong ang nasa 1,187 na pamilya na una nang pinauwi sa kani-kanilang mga tahanan mula sa Bayan ng Camalig na apektado ng Bulkang Mayon.
Ayon sa Camalig Public Information Office, nagbigay ang EDUCO Philippines ng relief package na may laman ng food at non-food items para sa mga residente mula Barangay Quirangay, Tumpa, Sua at Anoling.
Patuloy pa rin na gumagawa ng hakbang ang lokal na pamahalaan ng nasabing bayan, para suportahan at manumbalik na sa normal ang pamumuhay ang natitirang 55 pamilya o katumbas ng 211 indibidwal mula sa Barangay Anoling na nananatili pa rin sa evacuation center.
Samantala, nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon at umabot na sa limang buwan ang abnormalidad nito. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP Albay
Photos: Camalig PIO