Ginunita ang selebrasyon ng Earth Hour 2023 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City na inorganisa ng Worldwide Fund for Nature – Philippines.
Pasado alas-8:30 kagabi, sabay-sabay na pinatay ang mga ilaw at muling binuksan pagsapit ng alas-9:30 ng gabi.
Sinundan ito ng symbolic run kung saan sabay-sabay na nag-jogging ang ilang kalahok.
Nagpahatid ng mensahe ng pagsuporta si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga hakbangin para sa pagtugon sa climate crisis at nagkaroon din ng live performances mula sa iba’t ibang Pinoy artists.
Ayon kay Atty. Angela Consuelo Ibay, National Director for Earth Hour Philippines, malaki ang kaniyang excitement dahil muling isinagawa ang face-to-face celebration mula noong kumalat ang COVID-19.
Aniya, mas dumami ang lumalahok sa Earth Hour sa mundo kung saan umabot sa 192 na mga bansa ang nakikiisa.
Inimbitahan sa Earth Hour 2023 ang iba’t ibang non-government organizations at business enterprises na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.