P7.2 bilyong halaga ng bigas, nasasayang kada taon — PhilRice

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang nasa P7.2 bilyong halaga ng kanin o bigas o 385,000 na metrikong tonelada ng bigas o kanin ang nasasayang kada taon sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Hazel Antonio ng PhilRice ng Department of Agriculture (DA), nasa 2.5 million na Pilipino pa sana ang napapakain.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na karamihan kasi sa mga Pilipino ay takaw-tingin o iyong kumukuha ng mas marami kumpara sa kaya lamang ubusin.

“The campaign says, get only what you need and what we have done in the past was to encourage a half cup serving as default ‘no. And some of the provinces actually and cities, restaurants in the cities and provinces partnered with us to make sure that we could have a default serving of half cup of rice para hindi sayang iyong ano… maiwasan natin ang wastage.” — Dr. Barroga.

Nasa 46 na ordinansya na ang naipasa ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa Pilipinas, upang maipatupad ang default serving ng half-rice sa mga kainan sa bansa.

Isusulong aniya nila na maging national policy ito, upang malaki ang mabawas sa mga nasasayang na bigas.

“Kasi ang lagi rin nilang sinasabi, mas maganda kung national iyong law para at least kahit saan ka man pumunta, alam mo na dapat magsi-serve sila ng half. And ito naman po ay in consultation with the businesses din, noong triny namin sa mga provinces and cities, and okay naman sa kanila.” — Dr. Antonio.

Ang ginagawa aniya ng PhilRice, nagpapatupad ng balikatan sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan upang mapataas ang kamalayan ng publiko, upang mapigilan o mabawasan ang bilang ng bigas na nasasayang.

“In partnership with DepEd mayroon na ring Be RICEponsible na message sa mga textbooks, tapos marami po talagang nagpa-partner na private companies – iyong Robinsons mayroon din silang Be RICEponsible na idini-display; iyong 7-Eleven sa mga packaging nila mga nakasulat na Be RICEponsible don’t waste rice, doon sa mga milled rice na nila iyon. And these are all in partnership lang, wala tayong cost.” — Dr. Antonio. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us