5.9 percent economic growth, iniangat ang Philippine Stock Market

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umangat ang Philippine stock market kasunod ng magandang resulta ng third quarter economic growth.

Dahil welcome sa mga investors ang positive report, tumaas ang main index ng 33.19 puntos o 0.54 percent at nagsasara sa 6,188.22.

Ang dami ng shares na na-trade ngayon ay umabot sa 419 million na nagkakahalaga ng ₱4.6-billion pesos habang ang mga natalo ay nahigitan ng mga stock gainers.

Ayon kay Philstocks Financial Research and Engagement Officer Mikhail Plopenio nagdiwang ang mga investors nang inilabas ang third quarter growth na 5.9 percent, mas mataas sa last quarter’s 4.3 percent growth.

Aniya, ang positibong development na ito kasabay ng naitalang mababang inflation ay magpapalakas sa ating local currency at magtutulak pataas sa ating Gross Domestic Product.

Dagdag pa ni Plopenio ang pangunahing concern sa ngayon sa stock market ay ang nagpapatuloy na conflict sa pagitan ng Israel at Hamas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us