ERC, bukas sa anumang imbestigasyon ukol sa weighted average cost of capital ng MERALCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing itinanggi ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may sabwatan sila ng Manila Electric Company o MERALCO.

Ito ang tugon ng ERC sa batikos ni Laguna Representative Dan Fernandez sa umano’y sabwatan ng ERC at MERALCO dahil sa kabiguang ibalik ng power distributor sa mga konsyumer ang sobrang nasingil nito.

Magugunitang sa privilege speech sa Kamara, sinabi ni Fernandez na bukod sa hindi pagre-refund ay masyadong mataas ang weighted average cost of capital (WACC) ng MERALCO na ipinapasa sa kanilang mga customers.

Depensa naman ng MERALCO, hindi naman nila kontrolado ang paniningil ng WACC dahil ito anila ay bahagi ng Regulatory Function.

Kaya naman sinabi ng mambabatas na kailangang imbestigahan ang ERC at MERALCO dahil hindi nila itinataguyod ang karapatan at kapakanan ng mga consumer.

Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, handa naman silang humarap sa imbestigasyon para ipaliwanag ang kanilang panig. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us