LTO, nagpaalala sa huling batch ng mga motoristang mabibigyan ng plastic license card ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ngayon ang Land Transportation Office (LTO) na hanggang Hunyo na backlog na lamang sa lisensiya ang mabibigyan nito ng plastic card.

Ito ay dahil pa rin sa ipinalabas na Writ of Preliminary Injunction sa supply ng Driver’s License cards.

Ayon sa LTO, ang mga nag-expire ang lisensya hanggang May 31 ay maaari pang mag-renew hanggang November 30 habang ang mga napaso naman ang lisensya mula June 1-30 ay may hanggang katapusan ng taon para asikasuhin ang renewal ng kanilang lisensya.

Oras na mabigong mai-renew ang Driver’s License sa itinakdang schedule ay awtomatikong mapapaso umano ang lisensya ng motorista at magkakaroon ng kaukulang penalty.

Samantala, pinalawig muli hanggang April 2024 ang validity ng mga napasong Driver’s License simula ngayong Nobyembre. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us