MWSS, iniimbestigahan na ang mga reklamo sa malabong tubig na sinusuplay ng Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) sa mga reklamo ng malabong tubig na isinusuplay ng water concessionaire na Maynilad.

Ayon sa MWSS, na-monitor nito ang maraming reklamo ng mga customer ng Maynilad kahapon partikular sa manilaw-nilaw na tubig na lumalabas sa kanilang gripo.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang MWSS sa Maynilad para matukoy ang puno’t dulo ng iregularidad.

“The MWSS RO assures affected customers that their health and safety are prioritized as the Office investigates the matter. It will remain committed to protecting consumer interest and welfare.”

Pinapayuhan naman nito ang mga customer na nakakararanas ng kaparehong problema na hayaan munang dumaloy ang tubig pansamantala hanggang sa luminaw ito.

Ipunin ang unang-labas na tubig dahil maari itong gamitin for non-drinking purposes, tulad ng pang-flush sa toilet, para hindi masayang.

Una na ring humingi ng paumanhin ang Maynilad sa mga customer nitong nakararanas ng water discoloration.

Paliwanag nito, ang paninilaw ay dala ng mas mataas na level ng manganese mula sa raw water. Bahagya kasing tumaas ang manganese sa raw water na dumadaan sa low-level outlet ng Angat Dam.

Nagsasagawa naman na aniya sila ng network flushing activities sa mga apektadong lugar para matugunan ang isyu. Binago na rin aniya nila ang chemical dosages sa planta.

Pinapayuhan ang mga apektadong customer na i-report kung may ganito pa ring water discoloration sa kanilang lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us