Nagsimula na ang pamamahagi ng Malabon local government ng maagang Pamasko para sa libo-libong residente ng lungsod.
Ito ay sa pamamagitan ng Malabon Ahon Blue Card na proyekto ni Mayor Jeannie Sandoval upang matiyak na ang bawat Malabueño ay madaling makatatanggap ng
ayuda at mga serbisyo.
Ayon sa LGU, aabot sa ₱39-milyong ang inilaan nitong pondo para magkaroon ng maagang Pamasko ang mga residente sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pangunahing pangangailangan.
Sa ilalim nito, inaasahang aabot sa 46,456 na mga pamilya ang makatatanggap ng tig-₱840 cash assistance na mawi-withdraw sa anumang BankNet ATM o sa anumang tindahan ng Universal Storefront Service Center (USSC).
Ito na ang ikalawang ayudang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa Malabon Ahon Blue Card holders.
Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng pamahalaang lokal ang mga residente sa lungsod na magparehistro na para sa Ahon Blue Card. Ipakita lamang ang SMS message kasama ng isang valid government ID para agad maproseso ang Pamaskong Handog ng Malabon LGU. | ulat ni Merry Ann Bastasa