Publiko, hinikayat ng MERALCO na maging masinop sa paggamit ng kuryente

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ngayon ang Manila Electric Company o MERALCO sa publiko na maging masinop naman sa paggamit ng kuryente.

Ginawa ng Power distributor ang pahayag kasunod ng anunsyong pagtaas ng kanilang singil para sa buwan ng Nobyembre.

Ayon aa MERALCO, upang mas mabantayan ang konsumo, ugaliing tandaan lamang ang sumusunod na mga hakbang.

Una, tanggalin sa saksakan ang mga appliance na hindi ginagamit.

Panatilihing malinis ang filter ng mga electric fan at aircon unit upang ma-optimize ang gamit nito.

Gumamit din ng mga ilaw na matipid sa kuryente gaya ng LED lights.

Samantala, sinabi rin ng MERALCO na maaari nang mabantayan ng kanilang konsyumer ang konsumo nito sa pamamagitan ng kanilang mobile app.

Mayroon kasi itong applicance calculator na siyang magbibigay impormasyon hinggil sa konsumo ng iba’t ibang appliances at gadget. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us