DA-Region 02, namigay ng P30-M halaga ng financial assistance sa grupo ng mga magsasaka, sa pagbubukas ng Kadiwa Trade Fair sa Tuguegarao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa halos P 30 million ang naipamahaging financial assistance ng DA Regional Field Office 02 sa mga Young Farmers at Farmers and Fishers Cooperative and Associations kahapon, kasabay ng pagbubukas ng apat (4) na araw na KADIWA Trade Fair.

Mahigit 27 million pesos dito ay naipamahagi bilang financial grants sa mga farmer’s cooperative at LGU na siyang gagamiting starting capital ng kanilang papasuking Negosyo o pambili ng delivery trucks.

Ang pondo ay mula sa Kadiwa Financial Grant Assistance ng DA.

Ang P 2.1-M ay bilang papremyo naman sa Kabataang magsasaka sa rehiyon na nanalo sa Young Farmers Challenge Program (YFCP) ng kagawaran.

Ito ay ang mga kabataang nagtagumpay sa pagpresenta ng kanilang agri-business model canvass o yoong proposal ng papasuking Negosyo.

Ang Young Farmers Challenge Program ay   paraan ng kagawaran upang mahikayat ang mga Kabataan na piliin at mahalin ang agrikultura bilang kanilang bokasyon at pangkabuhayan.

Tugon na rin ito sa kakaunti lamang na bilang ng mga batang magsasaka.

Batay sa survey, ang average na edad ng mga magsasaka sa bansa sa ngayon ay 56 pataas. | ulat ni Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us