Ito ang kahilingan ni Rep. Maximo Dalog Jr. sa naganap na pulong ng House Committee on North Luzon Growth Quadrangle na dinaluhan ng Department of Trade and Industry, DOT, DOST at National Commission for Culture and the Arts.
Ayon sa mambabatas, kailangang may aksiyon ang mga concerned government agencies hinggil sa isu ng paglaganap ng mga peke at digitally printed na kasuotan na may katutubong desenyo.
Binanggit din ng mambabatas kung maaaring may stratehiya ang mga ahensiya upang makilahok ang mga kabataan sa preserbasyon ng local weaving industry at traditional craft.
Inihalimbawa niya ang ginagawa sa lalawigan ng kalinga na naituturo sa mga mag-aaral ng junior at senior high school ang paghahabi.
Ayon sa mambabatas kailangang masurpotahan ang micro small and medieum enterprises dahil sa kanilang malaking ambag sa paglago ng lokal na ekonomiya ng North Luzon. | ulat ni Donalyn Balio | RP1 Bontoc
Photo: Office of Rep Maximo Dalog, Jr.