Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO San Francisco, sa Agusan del Sur sinimulan ang makabuluhang inisyatiba upang mahikayat pang lalo ang publiko kung paano makatulong sa kapaligiran at sa ipapatupad na proyekto, kung saan ay libreng bigas ang matatanggap kapalit ng basurang plastic.
Sa pamamagitan ng “Gulatin mo sila… sa ecobricks mong gawa, basura na, maging bigas pa” itinayo ng MENRO ang isang exchange hub na bukas sa bawat araw ng Martes sa lingguhang Kadiwa Market, malapit sa municipal hall, upang tumanggap ng basura.
Bahagi sa nasabing programa, magsasawa rin ng live demonstration ang Eco Savers Club sa Agusan del Sur National High School upang maituro kung pano ang pag gawa ng ecobricks at ipaalam ang mga pamaraan para makapagpalit ng bigas sa nalikom na plastik.
Ayun kay Mayor Grace Carmel Paredes-Bravo ang mga makokolektang ecobricks ay gagamitin sa pagtatayo ng guardhouse sa Municipal Ecopark sa Sitio Damilag, Barangay Pisaan.
Paliwanag pa ng Mayor sa pagsali sa programa, hindi lang nakatulong ang publiko sa kapaligiran kung di mabibigyan pa sila ng pagkakataon para makatanggap ng bigas, at ito ay malaking tulong sa pamilya. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan
📸 MIO San Francisco