PCG, inilikas ang mga pamilya sa dalawang barangay sa Davao City na naapektuhan ng matinding pagbaha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mabilis na nailikas ng Coast Guard District Southeastern Mindanao, Coast Guard Station Davao at Special Operations Unit-SEM ang ilang pamilya na naapektuhan ng matinding pagbaha sa mga barangay ng Bago Galera at Bago Playa, Davao City .

Ito ay dahil sa biglang buhos ng ulan dulot ng ‘easterlies’ na pinalakas ng hanging Amihan kahapon ng madaling araw.

Nakatanggap ang Coast Guard Station Davao ng tawag mula sa Davao City Central 911 para magsagawa ng rescue operation sa mga nalubog sa baha.

Agad nagpadala ng Deployable Response Group ang Coast Guard Station at Special Operations Unit kung saan mabilis na na-rescue ang mga residente ng dalawang barangay na nalubog sa baha.

Agad dinala sa mga evacuation center ang mga nailigtas na residente at binigyan ng debriefing at medical assessment. | ulat ni Michael Rogas

📷: CG P/ENS ESTILO and SOU-SEM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us