Pabor ang dating Chair ng MWSS na si Dindo Alikpala sa isinasagawa ngayong imbestigasyon ng MWSS Regulatory Office sa inireklamong water discoloration partikular ang manilaw-nilaw na tubig na isinuplay ng water consessionaire na Maynilad.
Sa Pandesal Forum, sinabi ng dating opisyal na hindi katanggap tanggap ang naranasang malabong tubig ng ilang customer ng Maynilad.
Paliwanag nito, dapat na naresolba na agad ng Maynilad ang isyu sa kanilang planta pa lang nang hindi na umabot pa sa mga kabahayan ang aberya.
Umaasa naman itong pansamantala lang ang color dicsoloration at ito ay hindi nakaapekto sa mayorya ng customer nito.
Ayon naman sa MWSS, kinailangan nitong imbestigahan ang nangyari dahil kasama sa obligasyon ng Maynilad sa ilalim ng revised concession agreement ang masigurong pasado sa Philippine National standard for drinking water kasama na ang kulay.
Una nang humingi ng paumanhin ang Maynilad sa mga naapektuhan nitong customer at sinabing ginawan na ito ng paraan.
Pinapayuhan naman nito ang mga customer na nakakararanas ng kaparehong problema na hayaan munang dumaloy ang tubig pansamantala hanggang sa luminaw ito.
Ipunin ang unang-labas na tubig dahil maari itong gamitin for non-drinking purposes, tulad ng pang-flush sa toilet, para hindi masayang. | ulat ni Merry Ann Bastasa