Hindi pa prayoridad sa ngayon ng Kamara na lumipat ng lokasyon.
Ito ang inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco nang matanong tungkol sa inihaing resolusyon para bumuo ng isang ad hoc committee at aralin ang paglilipat ng House of Representatives sa Taguig o BGC para mas lumapit sa Senado.
Ayon kay Velasco, mas nakatuon ngayon ang Kamara sa pagpapasa ng nalalabing LEDAC priority measures.
Maliban dito, kailangan din aniya ikonsidera ang epekto nito sa may halos 10,000 na empleyado ng Mababang Kapulungan.
Magkagayonman, mayroon aniyang nasa 2 hanggang 3 ektaryang lupa na inilaan para sa Kamara sakaling matuloy ang paglipat sa hinaharap. | ulat ni Kathleen Jean Forbes