Nabigo ang China sa panibagong tangka nito na pigilan ang resupply mission sa BRP Sierra Madre.
Sa ulat ng National Task Force on West Philippine Sea kaninang 7:30 ng umaga nang harasin ng mga barko ng Chinese Coast Guard at Chinese Military Militia ang supply boats na Unaiza Mae 1 at M/L Kalayaan.
Bukod sa mga delikadong pagmaniobra na ginawa ng mga barko ng Tsina, ginamitan rin ng Chinese Coast Guard ng water cannon ang ML Kalayaan na kinontrata ng Pilipinas para sa resupply mission.
Sa ulat ng NTF-WPS, gumamit pa ang CCG ng rigged hulled inflatable boats sa loo ng lagoon ng Ayungin Shoal para pigilan ang resupply boat na makalapit sa Sierra Madre.
Kaugnay nito, muling nagprotesta ang Pilipinas sa bagong iligal at peligrosong aksyon ng China sa pamamagitan ng Embahada ng bansa sa Beijing.
Binigyang pagkilala naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang katapangan at dedikasyon sa tungkulin ng mga sundalo ng Navy at AFP kasama na ang PCG na inilalagay ang buhay sa panganib para sa pagseserbisyo sa bayan.
Nanindigan ang gobyerno ng Pilipinas na hindi ito papapigil sa pakikipaglaban sa legal na karapatan sa Exclusive Economic Zone nito. | ulat ni Michael Rogas