Sinaksihan ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Atty. Ivan John Uy ang paglunsad ng Free Wi-Fi for All (FWFA) sa City Public Plaza sa Lungsod ng Iligan noong Nobyembre 8, 2023.
Ang Free Wi-Fi for All ay sakop ng Free Public Internet Access Program, ang pangunahing programa ng DICT na naglalayong padaliin at palakasin ang internet connectivity sa bansa.
Sa pahayag ni DICT Secretary Atty. Ivan John Uy, 15,000 Wi-Fi sites ang target nitong ilunsad sa bawat sulok ng bansa bago matapos ang taong 2023.
Ayon naman kay Iligan City Mayor Frederick W. Siao, inilagay ang Free Wi-Fi for All sa mga pampublikong lugar o hotspots sa Lungsod ng Iligan upang madaling ma-access ng mga Iliganon.
Sa pangkalahatan, 4 na mga lugar na ang nalagyan ng Free Wi-Fi for All sa Lungsod ng Iligan tulad ng City Hall Complex – Anahaw Ampitheatre, Don Gregorio Lluch Memorial Hospital (GTLMH), City Public Plaza, at ang Barangay Digkilaan.
Kabilang din ito sa Iligan Development Goals (IDG) sa layuning gawing digital city ang naturang lungsod. | ulat ni Sharif Timhar Habib Majid | RP Iligan