Panibagong insidente ng harassment ng China sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea, banta sa international peace and security ayon sa mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Giniit ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Francis Tolentino na ang panibagong mapanganob na aksyon ng Chinese Coast Guard laban sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea ay nagdudulot ng direktamg banta sa international peace at security.

Ayon kay Tolentino, ang patuloy na paglabag ng China sa obligasyon nito sa ilalim ng international law tungkol sa maritine affairs ay bagamat mahirap ipaliwanag at malinaw naman ang motibasyon.

Tanong tuloy ng senador, maituturing na ba itong isang maritime piracy.

Si Senadora Risa Hontiveros naman, bagamat naalarma ay hindi na nagulat panibagong insidente na ito.

Ayon kay Hontiveros, tila na-master na ng China ang pattern of abuse na ito at patuloy pa nila itong ginagawa ng walang pagsisisi.

Dahil dito, giniit ng senadora na dapat doblehin ng pamahalaan ang pagpapaalam at pagtatanim sa utak ng sa publiko na sa atin ang West Philippine Sea.

Kailangan na rin aniyang i-upgrade ang kapasidad ng ating Philippine Coast guard at Philippine Navy.

Sa panig ng Kongreso, dapat aniyang bigyan ng mas malaking intelligence funds para sa mga ahensyang nagdedepensa ng teritoryo ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us