DSWD, naghanda na ng relief goods para sa mga lalawigan na naapektuhan ng easterlies

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakahanda itong magbigay ng tulong at resource augmentation sa local government units at komunidad na sinalanta ng mga pagbaha dahil sa epekto ng easterlies.

Katunayan, may ginagawa nang pakikipag-ugnayan ang DSWD sa lahat ng local government units na nakararanas ng pagbaha simula noong Nobyembre 7.

Kabilang sa nakaranas ng pagbaha ang ilang barangay sa Iligan City, Lanao del Norte, Barangay Caridad, Lambayong, Sultan Kudarat at landslide sa Sitio Lower Ladol, Barangay Assumption, Koronadal City.

Maging ang ilang barangay sa Davao City ay nakararanas din ng pagbaha.

Ayon sa datos, may kabuuang 2,051 pamilya o 7,867 indibidwals sa 11 barangays sa Region 10, region 11 at region 12 ang naapektuhan na ng weather disturbance.

Sa ngayon, nasa P2.6-bilyon pa ang halaga ng stockpiles at standby funds ng DSWD Central Office at National Resource Operations Center (NROC). | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us