PCG, nagpasalamat sa suporta ni Pangulong Marcos Jr. para sa mga barkong pangdepensa ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pasasalamat nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsuporta sa ₱29.3-bilyong budget para sa limang multi-role response vessels nito na magpapalakas ng national defense ng bansa.

Sa isinagawang National Economic and Development Authority (NEDA) Board meeting na pinamunuan ng Pangulo nitong linggo, nabigyang suporta ng chief executive ang paglalaan ng budget para sa mga nasabing vessels.

Sinasabing nanggaling ang budget mula sa Official Development Assistance loan ng Japan na sumasaklaw sa disenyo, konstruksyon, at paghahatid ng mga sasakyang pandepensa para sa PCG.

Binigyang diin ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, ang kahalagahan ng pamumuhunan na ito sa pagpapalakas ng operasyon sa seguridad sa karagatan, lalo na sa mga lugar tulad ng West Philippine Sea, Southern Philippines, at Benham Rise.

Habang binigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagpapabuti sa kakayahan ng PCG para labanan ang ilegal na mga gawain at ipatupad ang mga batas sa karagatan.

Ipinangako naman ng PCG ang patuloy na pagsusumikap na protektahan ang teritoryo at soberenya ng bansa gamit ang mga pamamaraang batay sa mga umiiral na patakaran at mapayapang pamamaraan para sa kapakinabangan ng mga mangingisda at mamamayang Pilipino. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us