DOT Chief, nanawagan sa Filipino Community sa London para sa pagtaguyod ng turismo ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pagbisita ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa London para sa Ministers’ Summit 2023 sa World Travel Market, nanawagan ang DOT Chief sa Filipino community doon na maging tagapagtaguyod ng turismo para sa Pilipinas.

Ipinahayag ni Secretary Frasco ang kagustuhan nitong makilahok ang mga Pilipinong nasa ibang bansa para sa pag-inspire sa iba upang tuklasin ang ganda ng Pilipinas.

Dito binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan ng karanasan ng mga Filipino abroad kasabay ang pagpuri nito sa kanilang sipag at determinasyon na nagpapakita ng diwa ng mga Pilipino.

Pinuri rin niya ang mahalagang papel ng mga Pilipino sa pagpapakilala ng kultura, iba’t ibang atraksyon, at mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa mga turista sa Pilipinas.

Ibinahagi rin ni Frasco ang mga kwento ng mga dayuhan patungkol sa mga Pilipimo sa kahit anong industriya bilang isang lahi na laging handang gawin ang lahat lagpas man ito sa kanyang tungkulin at handang ibigay ang puso sa ngalan ng pagseserbisyo sa abot ng makakaya. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us