Kaso ng dengue sa Quezon City, aabot na sa higit 3,000

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa 3,215 ang bilang ng kaso ng dengue sa lungsod Quezon.

Ito’y batay sa tala ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit mula Enero 1 hanggang Nobyembre 4, ngayong taon.

Pero ayon sa QC CESU, mas mababa ito ng 2.19% o 72 dengue cases kumpara sa kahalintulad na panahon noong taong 2022.

Sa ngayon ang District 1 ang may pinakamaraming kaso na umabot sa 687, habang District 2 naman ang pinakamababa na may 351 na kaso.

Walo katao na ang naiulat na namatay sa sakit na dengue, tig-isa (1) sa barangay San Antonio at Sto. Domingo sa District 1, isa (1) sa barangay Payatas sa District 2, tatlo(3) sa barangay Tatalon at isa (1) sa barangay Krus na Ligas sa District 4, at isa (1) sa barangay Unang Sigaw sa District 6.

Paalala pa ng LGU na magtungo agad sa pinakamalapit na health center o ospital kung may maramdamang sintomas ng dengue. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us