Nasa 25 pamilya na nasunugan sa barangay Manresa, Quezon City ang binigyan ng tulong pinansiyal ng National Housing Authority (NHA).
Ayon kay NHA Quezon City District Office Community Support Services Chief Marivic Concepcion, bawat pamilya ay nakatanggap ng tig P30,000 para sa kabuuang P750,000.
Ang bigay na tulong ay ginawa sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP)
Layunin ng EHAP na makapagbigay ng ayuda para sa pamilyang nawalan ng tahanan dulot ng kalamidad, tulad ng sunog, lindol, pagbaha at bagyo, upang matulungan silang makabangon at makapagsimulang muli.
Sunod na pagkakalooban ng tulong pinansiyal ng NHA ay ang mga pamilyang nasunugan sa Mandaluyong City.
May inilaan nang P1-milyong ang ahensiya para sa benepisyaryo sa lungsod. | ulat ni Rey Ferrer