Babaeng suspek sa human trafficking arestado ng mga kawani ng PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na nasakote ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang babaeng suspek sa human trafficking matapos subukan nitong tumawid ng dagat lulan ng isang RoRo passenger vessel mula Iloilo papuntang Maynila.

Kinilala ang suspek na si Alissa May Ropenta, o mas kilala bilang “Ate Saysay,” sa loob ng MV Maligaya patungong Manila kung saan ito naaresto matapos ang pag-aksyon ng mga sea marshal ng PCG dahil sa  natanggap nitong impormasyon ukol sa isang umiiral na warrant of arrest para sa nasabing suspek.

Dito na na-verify ang presensiya ni Ropenta sa pamamagitan ng passenger manifest at doon isinagawa ng mga awtoridad ang paghuli sa kanya.

Si Ropenta ay isa sa dalawang indibidwal na may mga kaso mula sa Cagayan De Oro Regional Trial Court na nahaharap sa Anti-Trafficking in Person.

Kasalukuyang na-detain na si Ropenta at binabantayan ng isang female vessel security. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us