PNP Taguig, sinabing walang foul play sa trahedyang ikinamatay ng dalawang babaeng estudyante sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinahayag ng Philippine National Police ng Taguig City (PNP-Taguig) sa inilabas nitong statement na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon na walang foul play na naganap kaugnay ng trahedyang nauwi sa pagkamatay ng dalawang babaeng high school student sa isang paaralan sa lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police-Sub-Station 6, dakong alas-11:00 ng gabi ng Nobyembre 10, 2023 nang madiskubre ang mga katawan ng dalawang biktima na kapwa wala ng buhay sa loob ng isang opisina ng paaralan.

Agad namang nag-trending sa social media ang nasabing insidente kaya naman patuloy din ang paghimok ng pulisya sa publiko na iwasan ang mga ispekulasyon, na maaring magpalala sa sitwasyon ng mga naulilang pamilya.

Siniguro naman ng PNP-Taguig na magiging mabusisi at mabilis ang imbestigasyon nito sa kaso, at nagpapasalamat sa buong suporta at kooperasyon ng pamahalaang lungsod ng Taguig na kapwa nagbigay na rin ng pahayag. Kung saan nakasaad rin ang panawagan punong-lungsod nito na si Mayor Lani Cayetano para sa isang masusing imbestigasyon para sa kaliwanagan sa nasabing trahedya. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us