DOLE, nababala sa publiko sa mga nagbebenta ng mga TUPAD uniforms online

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay babala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko ukol sa mga ibinibentang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage Workers (TUPAD) Program shirts at caps online.

Sinabi ng DOLE na ang mga TUPAD shirts at caps ay libre na ipinamimigay sa mga benepisyaryo ng programa upang gamitin bilang Personal Protective Equipment (PPE).

Ayon sa DOLE, hindi awtorisado ang pagbebenta ng mga nasabing uniporme at nararapat lamang sa suotin ng mga aktwal na nagtatrabaho sa TUPAD lalo na sa pampublikong lugar.

Pinapayuhan ng DOLE ang publiko na i-report agad ang mga insidente gaya nito sa DOLE Hotline 1349 o dumulog sa pinakamalapit na DOLE Offices sa inyong lugar para sa kaukulang aksyon. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us