Ika-87 taong pagkakatatag ng NBI, ipagdiriwang bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipagdiriwang bukas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang 87th Founding Anniversary.

Tema ng selebrasyon ay ang “Modernong NBI Kaagapay ng Bagong Pilipinas.”

Ang tema ngayong taon ay kasabay ng on-going modernization ng kawanihan sa tuntunin ng mga infrastructure, mga proseso at organizational structure.

May layunin itong palakasin ang kanilang investigative at forensic capabilities upang mas mapagsilbihan ang publiko at mapanatili ang legasiya nito bilang pinagkakatiwalaan at iginagalang na law enforcement agency sa bansa.

Sisimulan ng NBI ang 2-araw na selebrasyon sa pamamagitan ng isang misa sa Diamond Hotel, Manila at kasunod ang pagbibigay parangal sa natatanging ilang empleyado.

Magsisilbing guest of honor sa selebrasyon si DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us