Mahigpit na hinihikayat ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mga elected barangay official sa lungsod na sumailalim sa drug test bago sila umupo sa kanilang katungkulan.
Bagamat hindi maaring pilitin at gawing mandatory ang pagsasailalim sa drug test ng mga elected barangay officials nanindigan si Treñas na importanteng sumailalim sila upang mapasiguro na walang lulong sa droga sa kanilang pagupo sa katungkulan kaya “strongly encouraged” niya ito sa mga elected officials.
Nakahandang magbigay ng libreng test kits ang alkalde para sa mga barangay officials na nais magpadrug test.
Aniya, malaki ang role ng mga barangay officials sa pagpuksa ng iligal na droga sa barangay level pa lang.
Nababahala rin siya sa milyong milyong halaga ng iligal na droga na nasabat ng kapulisan sa sunod sunod na mga ikinasang buybust operation sa lungsod.
Pinakahuli na nakumpiska ng kapulisan ay ang mahigit kumulang 3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 20.4 million pesos sa isanagawang drug buybust operation sa Brgy. Camalig Jaro, Iloilo City noong nakaraang linggo. | ulat ni Emme Santiagudo | RP Iloilo