Pagtutol ng ilan sa malalaking business group, sapat nang dahilan para di ituloy ang Cha-Cha — isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas lalong hindi na dapat ituloy ang pagsusulong ng charter change matapos tutulan ng anim na malalaking business group ang panukalang amyenda sa 1987 Constitution.

Ayon kay Albay 1st District Representative Edcel Lagman, kaisa niya sa paniniwala ang business groups na hindi napapanahon ang cha-cha sa gitna ng kinakaharap na problema ng bansa sa kahirapan, inflation at food security.

Masyado rin aniyang divisive ang usapin ng Cha-Cha.

Magastos din ang itinutulak na Constitutional Convention kung saan ang perang gagamitin ay maaaring ilaan na lamang sa mga pro-poor program.

Dismayado naman si House Committee on Constitutional Amendments Chair Rufus Rodriguez sa biglang pagbaliktad ng mga business group.

Partikular na tinukoy ni Rodriguez ang Makati Business Club (MBC) at Financial Executives Institute of the Philippines (Finex).

Aniya, bago ang inilabas na statement ng business groups noong March 24 ay suportado ng dalawang organisasyon ang pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.

“MBC and Finex are now against Charter amendments. Before this position, they were in favor of changing the Constitution’s economic provisions,” diin ni Rodriguez.

Tinukoy ng Cagayan de Oro na sa magkahiwalay na liham ng MBC at Finez sa kaniyang komite ay nagpahayag ang mga ito ng suporta sa pag-alis ng restriction o paghihigpit sa Konstitusyon.

Ani Rodriguez, ang mga pahayag na ito ng business group ay kanilang kinonsidera sa pagtalakay at pag-pasa ng cha-cha.

Maliban sa MBC at Finex, kasama rin na tumutol ang Justice Reform Initiative, Filipina CEO Circle, Philippine Women’s Economic Network Inc., at Women Business Council Philippines.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us