Quezon City government, bukas sa potensyal ng AI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa ang Quezon City government na mag-adapt sa mga technological advancement kasama na ang potensyal ng Artificial Intelligence o AI.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nais nitong manguna ang QC pagdating sa mga innovation gaya na lang ng AI.

Naniniwala ang alkalde na makatutulong ang mga bagong trend sa teknolohiya para mapalawak rin at maiangat ang pagbibigay serbisyo ng LGU sa mga mamamayan.

Wala aniyang dapat ikatakot dito dahil kailangan lang itong mapaghandaan kasama na ang workforce.

Sa ngayon, ipinagmalaki ng alkalde na halos 100% nang automated na mga proseso at transaksyon sa pamahalaang lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us