Ika-pitong batch ng OFW mula Israel nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natakdang dumating sa bansa ang ika-pitong batch ng Overseas Filipino Workers mula sa bansang Israel ngayong araw dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Sakay ng Etihad Airways Flight 424, nakatakdang lumapag sa NAIA Terminal 3 mamayang 3:10 ng hapon ang nasa 37 OFWs na nagpasyang umuwi muna ng bansa.

Nakatakda namang salubungin ng DFA, DMW at OWWA kabilang ang iba pang ahensya ng pamahalaan upang magbigay ng financial assistance at iba pang tulong mula sa national government.

Kaugnay nito, nakauwi na rin ang ikalawang batch ng OFWs mula naman sa Gaza nitong Linggo ng gabi kung saan nasa 41 OFWs kasama ang 7 Palestino na asawa ng ating mga kababayan ang sabay-sabay na dumating.

Sinalubong naman sila ni DFA Undersecretary Antonio Morales kasama ang iba pang mga opisyal ng DMW. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us