AFP Chief, dumalo sa Command Post Exercise ng AJEX DAGITPA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita ngayong araw si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa Command Post Exercise sa Camp Aguinaldo ng AFP Joint Exercise Dagat Langit at Lupa (AJEX DAGITPA).

Layon ng command post exercise, na mahasa ang mga opisyal ng AFP sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga pinagsanib na operasyon.

Layon ng AJEX DAGITPA, na mapahusay ang interoperability ng iba’t ibang sangay ng AFP sa pagsasagawa ng mga sabayang operasyon.

Si Gen. Brawner ang tumatayong AFP Joint Task Force Commander ng pagsasanay na nagsimula nitong Nobyembre 6, at tatagal hanggang Nobyembre 17.

Dadalo rin si Gen. Brawner sa AJEX DAGITPA Joint Combined Arms Live Fire Exercise and Urban Operations sa Camp Cape Bojeador, sa Burgos Ilocos Norte sa Nobyembre 15. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us