Welcome para kay House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga ang naitalang paglago sa sektor ng agrikultura sa 3rd quarter ng taon.
Aniya, malaking bagay ang 0.9% growth ng agriculture, fishery, at forestry sectors sa ikatlong quarter ng taon, ngunit kung ia-adjust, ang quarter to quarter growth ng agrikultura ay nasa 1.4%
Maliban sa pagbaba ng inflation ng 5% ay nakapagtala ng 193,000 na empleyo sa fishing at aquaculture.
Dahil sa ang fourth o huling quarter ng taon ay mas nagiging aktibo, positibo si Enverga na maaabot ng bansa ang 6% hanggang 6.5% na GDP growth target. | ulat ni Kathleen Jean Forbes