Planong buhayin ni Iloilo Representative Janette Garin ang panukala na magkaroon ng half rice serving sa mga kainan.
Ito aniya ay para na rin mabawasan ang food waste o pagkasayang sa pagkain at maisulong ang balanse at mas malusog na eating habits.
“The bill on serving half-cup rice in restaurants nationwide shall be revived and passed in Congress to minimize food waste, promote balanced and sustainable eating habits and ensuring healthier meal portions.” sabi ni Garin
Matatandaan na itinutulak ngayon ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na maibalik ang half cup rice rule sa mga kainan.
Una nang naghain ng ganitong panukala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong siya ay senador pa lamang.
Maliban dito, pinakokonsidera din ni Garin sa mga restaurant na gawing alternatibo ang sweet potato o kamote para sa dagdag na nutritional value.
Kung maipapatupad sa buong bansa ay makatutulong din aniya ito sa kabuhayan ng mga magsasaka ng kamote.
“Sweet potatoes are rich in Vitamin A and fiber, promoting eye health and overall well-being. Making this simple switch aligns with the growing emphasis on healthier food choices in the dining industry. This increased reliance on sweet potatoes will likely bolster local farmers’ livelihoods and contribute to the growth of sustainable agriculture within the community. Walang kamote ang dapat mabulok.” dagdag pa ng mambabatas | ulat ni Kathleen Forbes