Kinumpirma ni Speaker Martin Romualdez na nagkaroon ng hindi otorisadong access sa kaniyang social media account.
Bataya aniya sa kanyang communications team, na-hack ang kaniyang Facebook page.
Naisaayos naman na aniya ito at iniimbestigahan na kung paano nagkaroon ng breach.
Nagpaalala naman ito sa publiko, na mag-ingat at maging mapanuri sa mga matatanggap na mensahe o komunikasyon na nagsasabing mula ito sa kaniya o sa kaniyang tanggapan.
“I urge everyone to remain cautious and vigilant about any unusual activity or communications that may appear to be from me or my office during this time.” Saad sa kaniyang pahayag. | ulat ni Kathleen Forbes