DepEd, DOH, nagsanib puwersa para sa pagpapabuti ng mga mag-aaral

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkatuwang na ngayon ang mga Kagawaran ng Edukasyon at Kalusugan sa pagtataguyod ng malusog na pangangatawan at kaisipan ng mga Pilipinong mag-aaral.

Ito ang naging kasunduan sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) kasunod ng naging pagpupulong nila Vice President at Education Secretary Sara Duterte gayundin ni Health Secretary Ted Herbosa.

DIto, kanilang tinalakay ang mga hakbang na kanilang gagawin sa gitna ng mga kinahaharap na iba’t ibang hamon o problema ng mga mag-aaral.

Sa naging pulong ng dalawang opisyal, kapwa nangako ang mga ito na magtutulungan para matalakay ang iba’t ibang usaping pangkalusugan na nakaaapekto sa mga mag-aaral na kabataan.

Kabilang sa mga tinalakay na paksa ay ang clustering sa mga influenza-like illness sa mga eskuwelahan sa buong bansa, ang pagtatala ng mga kaso ng HIV/AIDS sa mga estudyante, at teenage pregnancies.

Gayundin ang kalagayang pangkaisipan ng mga mag-aaral at iba pang mga bagay na nakaaapekto sa kanilang pamumuhay at pagkatuto.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us